"Sure ka na kaya mo na, huh?" Ilang beses ko ng tanong kay Cecilia dito sa Terminal ng bus. Pina-way bill namin ang mga binili namin sa divisoria para bukas ay makarating na ng Cagayan Valley. Didiretso na din ako sa NAIA para sa pag-uwi ko ng Cagayan. Kulang isang oras lang kasi ang biyahe kapag eroplano, kumpara sa land trip na aabutin ng mahigit 12 hours. Kailangan ko kasing umuwi kahit na sa makalawa pa dapat ang uwi namin. Tumawag si nanay kanina na dinala daw nila sa ospital si Rhiana kanina. Nag-aalala ako sa anak ko kaya naman inaya ko ng umuwi si Cecilia pero sabi niya sayang daw ang mga meet-up. Nakapag-paalam na daw siya kay tita Celia at pinayagan naman siya. May mga ilan pang kulang na stocks, kaunti lang ang napamili namin ngayon. May mga kikitain pa kami bukas na mga