Maghapon akong tuliro at wala sa sarili. Pinakiusapan ko si Lia na huwag sasabihin sa mga magulang namin. Pumayag naman siya. Binabagabag ako at hindi mapakali. Ngayon na nandito ako sa probinsiya at mahirap kumita ng pera paano kami mabubuhay ng pinagbubuntis ko. Hindi pa man ako nag-pregnancy test. Pero ngayon ko lang napagtanto na buntis ako. Hindi dumating ang period ko two weeks ago at hindi ko man lang 'yon naisip. Natatakot ako at nag-aalala sa magiging reaksyon ng magulang ko. Malamang ay abot-abot langit ang sermon ni tatay sa akin lalo na at napaka-conservative pa man din niya. Baka masaktan pa niya ako. Kailangan kong mag-isip ng pagkakakitaan dito..Hindi puwede na matengga ako dahil may anak na ako na kailangang buhayin. Ang daming pumapasok na senaryo sa utak ko. Sasa