Umiyak ako magdamag, kahit anong saway ko sa sarili na huwag akong masaktan dahil wala naman kaming relasyon ni sir Adrian ay walang humpay ang pagtulo ng aking luha. Ngarag ako kinaumagahan at kinailangan ko pang mag-apply ng concealer sa mukha, para maitago ang aking eyebags. Maaga akong pumasok at wala pa si sir Adrian ng dumating ako sa opisina. Nagtimpla ako ng kape sa pantry at dinala sa table ko. Inisa-isa kong ayusin ang mga files na galing sa accounting department bago dalhin sa table ni sir at mapirmahan na niya. Eight am ng dumating si sir. Binati ko siya pero ang mga mata ko ay nakatuon sa mga papeles na inaayos ko. Hindi ko pa narinig ang pagbukas ng kaniyang pinto kaya naman napaangat ako ng ulo. Nakatayo siya sa harap ng table ko habang mataman akong tinititigan.