Hindi ko alam kung paano ako haharap kay sir Adrian kinaumagahan. Hiyang-hiya ako sa nangyari kagabi. Hindi na ako nakapagpigil, ako ang mas dapat nakapag-isip dahil lasing siya. Bumigay ako at baka lumampas pa kami sa halikan na 'yon kung wala lang tumawag sa kaniya. Pero inabot na ng lunch at wala pa ding sir Adrian na pumapasok ng opisina. Nakahinga ako ng maluwag sa kaisipang hindi siya papasok ngayong araw. Pero dahil kailangan ng pirma niya sa accounting ngayong araw ay tinawagan ko siya sa kaniyang personal number. "Yes?" tanong niya ng sagutin niya ang tawag ko. "Sir, there's an important documents that needed your sign till early tommorow morning," sagot ko. "Bring it to my condo," sagot niya at pinatay agad ang tawag. Bigla akong kinabahan. Akala ko ligtas na akong ar