Pagdating nila ni Calvin sa bahay nila agad siyang sinalubong ng yakap ng Mama niya. "Congrats anak," sabi pa nito sa kanya. Napangiti siya at sinulyapan si Calvin, na nakatayo sa tabi niya. Ito kasi ang nagsabi sa Mama niya na engaged na sila. "I am so happy for you, Gianna," sabi pa sa kanya ng ina nang kumalas ito ng yakap sa kanya. "Thank you po, Ma," pasalamat niya. "Congrats, Calvin," sabi pa ng Mama niya kay Calvin. "Good morning po," bati ni Calvin sa Mama niya, saka ito nagpasalamat. "Thank you po, Ma," pasalamat ni Calvin. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtawag ni Calvin na Ma, sa Mama niya. Agad pa nga niya itong nilingon at pinandilatan ng mga mata. "Tama iyan, Calvin dapat lang na masanay ka nang tawagin akong Mama, dahil isang pamilya na tayo ngayon," sabi ng Mama niya

