"Papasyal daw sina Papa at Mama dito sa bahay," sabi niya kay Calvin nang gabing magpapahinga na sila sa silid. "Talaga? Kailan daw?' Tanong ng asawa sa kanya at tumabi ito sa kama sa kanya. Agad pa nitong hinaplos ang tiyan niya na malaki na rin. Nag gain na rin kasi siya ng weight kaya naman halata ng buntis siya. Pati nga nga dati niyang damit hindi na niya naisusuot bigla kasi ang pagpalaki niya, kaya naman binilhan pa siya ni Calvin ng mga bagong damit niya. Ilang buwan na rin naman ang titiisin niya at makikita na niya ang baby nila ni Calvin. "This weekend daw, tumawag kanina si Mama," she answered.. "Tama lang iyan na pasyalan ka nila, para naman makasama mo sila. Masyado kasi akong busy sa RTV at hindi man tayo nakakauwi ng San Sebastian, " Calvin said at hinalikan pa ang tiyan

