"Calvin you can't do this to me! Hindi mo ko pwedeng tanggalin na lang basta sa RTV!" Halos magwala si Cherry nang ipatawag niya ito at sabihing huling araw na nito sa RTV. Tama si Gideon, kailangan niyang maglinis ng kalat at sisimulan niya iyon kay Cherry, dahil si Cherry ang puno't dulo ng lahat ng gulo nila ni Gianna. Kung hindi pa siya kikilos ngayon, baka lalo nang lumayo sa kanya ang asawa niya at hindi na makita pa ang mag ina niya. "Calvin wala akong violation na ginawa sa RTV, kumikita rin ang mga ginagawa ko. Wala kang rason para tanggalin ako!" Galit na sabi ni Cherry sa kanya. "Alam mo kung ano ang ginawa mo Cherry. You know na may ginawa na labag da trabaho mo," he said. "Ano iyon?" Kunot noong tanong nito. "You seduced me!" Mariin niyang tugon sa dalaga. "But, Calvin,

