Kanina pa siya nakatayo sa may gilid habang hinihintay si Calvin. Busy pa kasi itong nakikipag usap sa magandang director ng movie. Pakiramdam nga niya nakalimutan na siya ni Calvin, kaya nakakaramdam na siya ng inis sa binata. Wala naman siyang magawa, secretary lang naman siya nito, nakakahiya naman kung siya pa ang magyayaya sa boss niyang umalis. "Water." Bahagya pa siyang nagulat sa biglang paglapit sa kanya ni Darwin ang leading man ng pelikula na nakabunggo niya kanina. "Ah?" Tila pa siya na blanko saglit habang nakatingin sa gwapong artista. "Water," ulit na alok ng lalake sa kanya habang nakangiti ito. Ngumiti na rin siya sa lalake at tinanggap ang bottled water. "Thanks," pasalamat niya. "Secretary ka ni Mr. Ramirez?" Tanong sa kanya ni Darwin. "Yeah," tipid na sagot niya

