Ayaw na nga umattend ni Calvin sa premiere nights ng movie ni Cherry, kaya lang pinilit na rin niya ito. Para naman maka attend silang magkasama at makita na sila ng mga staffs ng RTV station, at kung may maglalakas loob na magtanong about them, e sasagutin na nila ni Calvin ang mga ito, para naman malaman na ng marami na sila na talaga ni Calvin at engaged na sila. Naisip nga niyang napakagaling ng ginawa ni Calvin na harangin ang mga larawan nila ni Darwin noong sumama siya sa bar kay Calvin, dahil kung lumabas iyon, iisipin ng marami na may namagitan sa kanila ni Darwin. Naisip rin niyang tiyak na gagamitin rin siya ni Darwin pag nalaman nito kung sino talaga siya. Kaya tama lang ginawa ni Calvin na wala ni isang larawan nila ni Darwin ang lumabas. Masasabi niyang matalino at may diskar

