Kinabukasan naghanda na siya sa pagpasok muli sa RTV station. Sinunod niya lahat ng payo ng Mama niya. Una tinigil niya nag pag inom ng alak, nagpa groom rin siya, baka nga kasi biglang dumating si Gianna baka hindi siya makilala nito, dahil napaka haggard ng pagmumukha niya, at tuluyan pa siyang iwan nito. Lahat ng sinabi ng Mama niya tama. Mali ang paraan niyang uminom ng alak para makalimuta ang sakit. Dapat harapin niya ang problema. Pagdating sa opisina bagong mukha ang nakaupo sa dating desk ni Gianna. Ngayon lang niya nakita ang babae marahil ang Papa niya ang nag hire. "Good morning po Mr. Ramirez," bati ng babae sa kanya at tumayo pa ito. Tumango naman siya rito.at nagtuloy na sa paglalakad patungo sa opisina niya. "Calvin." Napatigil siya nang marinig ang tinig ni Cherry. Hin

