Alyssa's POV Hindi ko na lamang sinagot ang tanong ni Hyacinth hanggang sa makauwi kami ay patuloy niyang itinatanong sakin iyon. "You know what Kuya. Nakita ko yung handsome guy na nakita natin sa wallet ni Mommy." Narinig kong sumbong ni Hyat sa kapatid niya. Napailing-iling na lamang ako habang pinapakinggan ang pag-uusap ng dalawa. "Ano naman ngayon? Mas gusto mo ba yun kaysa kay Daddy?" tanong naman ni Blue na tila ba hindi interesado. "Tinanong niya si Mommy kung ako ba raw yung daughter niya." Nakanguso pa rin na sabi ni Hyat. Hanggang ngayon hindi iyon maalis sa isip ni Hyat. "So, do you think he is our Daddy?" tanong ulit ni Blue. Napatakip ako ng bibig. "I don't know. Pero 'di ba meron na tayong Daddy." "Yeah, we already have a daddy." sagot ni Blue. Nakahinga ako ng ma