Andrea's POV "Bakit mo hinalikan ang babaeng 'yon, Hell?" inis na inis na tanong ko sa fiance ko. Kapapasok niya lang dito sa patient room ko. Dinala niya ako ng hospital pagkatapos akong itulak ng walang hiya na Alyssa na 'yon. Ang dami kong sugat sa braso at maging sa aking mga hita. Napaupo pa ako sa maliliit na mga bato at mga pebbles black stone na nakapalibot sa mga rosas. Ang sakit ng likod ko at mga binti. Ang kapal ng mukha ng babaeng 'yon na itulak ako. Lumapit sakin si Helly. Seryoso lamang ang kaniyang mukha. "Sagutin mo ang tanong ko, Hell! Bakit mo hinalikan ang babaeng 'yon? Ganoon na ba kababa ang tipo mong babae ngayon?" inis na sigaw ko sa kaniyang pagmumukha. He is still not answering. Kaya ba naging cold siya sakin dahil sa Alyssa na 'yon? Ipagpapalit niya n