Alyssa's POV MABIGAT ang mga paa kong humakbang palabas ng kwarto. Habang naglalakad ako palabas ay panay rin naman ang tulo ng luha ko. Umaasa pa ba ako? Umaasa ba akong pigilan niya? Nakapag-pirma na rin ako sa divorce na gusto niya kaya wala na. Wala ng pag-asa. Wala ng balikan dahil putol na ang ugnayan namin dalawa. Kung meron man natitirang ugnayan sa aming dalawa iyon ay ang magiging anak na lang namin. Pero mukhang wala rin naman siyang pakialam sa pinagbubuntis ko. Kung may pakialam siya, hindi niya magagawa sakin 'to. Hindi ko inaasahang magagawa niya sakin 'to. Akala ko tuloy-tuloy na ang saya na mararanasan ko, ngunit patikim lang pala ito. Dahil dadaan lang din sa buhay ko ang saya na naranasan ko sa taong mahal na mahal ko. Sabi nga nila, kung sino ang nagpapasaya sa