REA POV "I'm sorry Sam at ngayun lang ako. May dinaanan pa kasi ako." Sam smiled at me. "It's okay Rea." Naupo na ako. "Let's order?" She asked and I nod. Nag-order na si Sam. Sa akin naman nabaling ang Waiter. Sinabi ko ang order ko. Pagkaalis ng waiter ay may ngiti sa labing tinitigan ako ni Sam. "I'm so happy for you Rea." Hinawakan ni Sam ang kamay ko..marahan kong pinisil ang kamay niya. "Thank you Sam. Until now hindi pa din ako makapaniwala na buhay si Mommy." "Pati ako Rea. Hindi rin ako makapaniwala na buhay si Tita. Dati binibisita pa natin siya sa cemetery tapos ngayun alam na natin na buhay siya. Nakakagulat talaga." "Alam mo ba ang rason kung bakit ngayun lang siya nakabalik?" Nagbaba ako ng tingin. "May gustong pumatay kay Mommy. Kaya nagtago siya ng matagal na pan