VINCE POV I woke up without my wife beside me. Bumangon na ako at hinanap si Rea. Naabutan ko ang asawa ko na busy sa pagluluto. Hindi niya ako napansin. Gumigiling at kumakanta si Rea. Pinagmamasdan ko siya at sumandal sa gilid ng pinto. Gamit ang sandok na ginawa niyang microphone. Bumirit si Rea at biglang pumiyok. Hindi ko napigilan ang sariling matawa. Napatingin sakin si Rea at biglang sumimangot. Lumapit ako sa kaniya at naglalambing na yumakap sa likuran niya. "Good morning Wife." Hinampas ni Rea ang kamay kong nakapalibot sa bewang niya. "Nakakainis ka!" Aniya. Muli akong natawa. "Sige tumawa ka pa." Tinanggal niya ang mga kamay ko. Agad ko siyang hinarap sa akin at mabilis na humalik. Hinawi ko ang buhok sa mukha niya. Ningitian ko siya. Nagbaba ng tingin si Rea