“HE’S TAKING A FLIGHT BACK TO DRACULA LAND.” “What?!” “Transylvania. Gusto mo siyang sundan? Huwag na. Malamang pasakay na iyon ng private jet niya ngayon.” “No!” “But then again, who knows, baka na-flat-an sila ng gulong. Do you still want to take a risk?” Iyon ang huling pakikipag-usap ni Awa kay Klein nang mapansin niyang hindi na niya makita si Alucard sa gym kanina. Now she was on her way to the take a taxi to take her to the airport. Halos takbuhin na niya ang mahabang kalye na iyon para lang mapabilis ang paghabol niya sa binata. “Sira-ulo ka, Alucard. Pagkatapos ng mga ginawa mo, basta ka na lang aalis nang walang paalam? Kapag kita kita, babatukan talaga kita!” Nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa pinipigilang mga luha. Walanghiya naman kasing Alucard na iyon. Bakit