ANG NAKARAAN #3

1631 Words
"TAY?" approach ni Andy sa byenan na lalaki na galing Saudi habang nagkakasayahan ang lahat dahil sa triplets baby at idagdag pa ang pagpro-propose niya kay Yolly kanina. Nagkita na silang magbyenan at nagkakilala sa airport nang sunduin nila ito last week. Pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap. Hinayaan muna kasi niya sina Aling Yolanda at Yolly na masolo o makasama nila ang haligi ng tahanan nila at masulit ang muling pagkikita nilang magkakapamilya. Nagkamayan lang sila noon at nagngitian nang unang magkita. "Oh, Andy, congrats, Anak. Tatlo agad." Akbay naman sa kanya ni Mang Lino. "Salamat at binigyan mo agad kami ng tatlong apo." Nahihiyang napahimas siya sa kanyang pisngi. "Saka salamat dahil sa wakas ay ihaharap mo na ang anak ko sa altar. Noong nasa Saudi ako akala ko, eh, hindi kayo ang nagakakatuluyan dahil ang gulo niyo. Hindi niyo alam pero updated ako sa inyo kahit nasa malayo ako," nakatawang sabi pa ni Mang Lino. "Pasensiya na po kayo. Medyo naging magulo ang love story namin noon ni Yolly." Tinapik-tapik ni Mang Lino ang balikat niya. "Naintidihan ko, Anak. Aba'y hindi mo naitatanong, eh--" Humina ang boses ni Mang Lino. Ibinulong na lang nito ang karugtong na sinasabi. "Mas magulo pa kami noon ng Nanay Yolanda mo. Alam mo bang nagpapakamatay 'yan noon. Halos mabaliw rin ako riyan. Kaya mas matino 'yang anak ko. Mas swerte ka pa rin sa 'kin. Ang harsh niyan sa akin 'yang Nanay Yolanda mo. Baka akala mo." Natawa siya. Nagtawanan sila ng byenan na lalaki dahilan para mas maging mas close pa sila. Masayang-masaya si Andy dahil wala siyang masasabi sa pamilya ni Yolly. Aam niya na wala siyang pagsisihan na si Yolly ang nabuntis niyang babae at nagsilang ng kanyang mga anak, dahil wala na siyang mahihiling pa. Magkasundo sila ni Yolly at magkasundo ang pamilya nila kaya alam niya walang magiging problema. Alam niya na kahit naka-three points siya agad ay tutulungan sila ng mga ito na palakihin ang mga anak nila ni Yolly nang maayos, na gagabayan sila, na nandyan lang sila para sa mga apo nila. "Andy, pakarga muna si Baby Princess. Dumating na 'yong gown ni Yolly. Titingnan ko rin," sigaw ng excited na Mommy niya. Ilang weeks na silang nakauwi mula sa hospital. "Andy, pakitingnan din dito sa crib si Baby Anne. Sisilip din ako," pakiusap din ni Yaya Chadeng din sa kanya. Tumakbo rin agad. Napanganga si Andy. Hindi siya nakaalma. Paano ay karga na nga niya si Baby Yvette dahil nagtimpla ng gatas si Yaya Doring. Ang Yayang may edad na rin na kinuha nilang katulungan nila sa pag-aalaga sa mga triplets. Tapos pinakarga pa sa kanya si Baby Princess at pinatingin si Baby Anne. Ano 'to? Siya na lahat?! Ayos, ah! Buti na lang at ang ko-cute ng mga anak niya. Hinalikan niya ng noo ang dalawang anak niyang tulog. At syempre si Baby Anne rin na nasa crib. Kahinaan talaga niya ang mga cute na mukha ng mga anak niya. Sino bang ama kasi ang makakatanggi sa mga cute na mga sanggol na mga ito? Nakaka-proud. Sinayaw-sayaw niya nang marahan sina Baby Princess at Baby Yvette na tig-isang braso niya karga. Kaso parang nagselos si Baby Anne, biglang nagising ito at nag-iiyak. Naalarma siya. "Hala! Wait lang mga anak! 'Di ko kayang tatlo kayo!" at namoblema niyang sabi. Lagot na, 'di niya alam kung anong gagawin. Kung ibababa niya kasi si Baby Yvette ay umiiyak ito. Gayundin din si Baby Princess. Hanggang sa sabay-sabay na ang tatlong kambal na umiyak. "Yolly! Heeelllpppppppp!" ngawa na lang niyang paghingi ng saklolo. Nenerbyos na siya, eh. Kaya halos nakisabay na rin siya sa iyak ng mga anak niya. Taranta si Yolly, Yaya Chadeng, at  Madam Angie na tinungo ang kinaroroonan nina Andy at ng mga triplets. 'Yong wedding gown iniwan nila basta-basta. Akala nila kasi may nangyari na sa mga sanggol. Pero nang nakita nila ang hitsura ni Andy na hindi alam kung sino ang kakargahin o aaluin sa tatlong baby na nag-iiyak ay natawa na ang tatlo. Narinig iyon ni Andy kaya inis niya ang mga ito na nilingon. "Tulungan niyo kaya ako rito!" maktol niya sa mga ito. Tinatawanan pa siya, eh, umiiyak na nga ang mga anak niya. Hirap na hirap na nga siya, eh. Tss! Kaso siya pa ang napahiya nang buhatin isa-isa nina Yolly, Madam Angie at Yaya Chadeng ang mga kambal, agad kasi mga tumahan. "Haisssssttttt!" Nag-walk out na lang siya. Natatawa na lang din si Yolly sa asawa pero ang totoo ay hinahangaan niya ito ng lubos. Kahit gaano kasi kapagod si Andy sa mga anak nila ay mas nauuna pa itong gumising kapag may iiyak kahit pa madaling araw na. In short, hands on dad si Andy. Minsan nga sa sobrang pagod, eh, napapakibit-balikat na lang si Yolly 'pag nilalandi niya ito sa gabi. Nag-shower na siya lahat-lahat pero paglabas sa banyo ay tulog si Andy. Ang saklap! Gayunman, proud siya sa kanyang asawa. Kung isisilang ulit siya rito sa mundo kung sakali, gusto niya si Andy pa rin. Si Andy pa rin ang gusto niyang maasawa. Kaya naman pagsapit ng araw ng kasal ay siya na yata ang pinakamasayang bride. Iyak siya nang iyak mula sa pagbubukas ng pinto ng simbahan hanggang sa naglakad na siya sa aisle kasama ang triplets. Palakpakan naman lahat ng tao na dumalo sa kasal. May naiyak, may naluha, may na-touch at kung anu-ano pa. At may napangawa, sino pa? Eh 'di sina Aling Yolanda at Madam Angie. Tapos nakisali pa si Yaya Chadeng. Pero kung meron mang halu-halo ang emosyon no'ng mga sandaling iyon, ay 'yon ay si Andy, syempre. Ni hindi ito kumukurap sa pagtitig kay Yolly na napakaganda ngayon sa gown niya. Idagdag pa ang triplets nilang anak na dahan-dahang ding palapit sa kinatatayuan nito. Ang mga kambal kasi ang kasama ni Yolly na naglalakad sa aisle. Tulak-tulak niya ang mga anak gamit ang pasadyang crib para sa tatlong anak. Ideya niya ito, dahil para sa kaniya wala ang kasalan na ito kung hindi dahil sa mga kambal nila. Sa kalagitnan ng aisle ay kinuha ni Yaya Chadeng at Yaya Doring ang mga kambal. Pumalit sina Mang Lino at Aling Yolanda na panay ang singhot. Natapos ang kasal na masaya ang lahat lalo na si Andy at Yolly na sa wakas ay nag-'I DO' na sa harap ng Diyos at sa harap ng mga taong nagmamahal sa kanila. "Bye!" Kaway nila sa mga tao nang makasakay na sila sa kotseng puti na may nakalagay na 'Just Married'. Ang saya-saya nila sa loob ng sasakyan. Holding hands sila at panay ang ngitian nila. "Saan mo gustong mag-honeymoon?" tanong na ni Andy sa asawa nang makalayo na sila sa simbahan. Kinurot ni Yolly ang tagiliran ng asawa. "Susss!" "Bakit? Kailangan 'yon sa bagong kasal," hirit ni Andy. "Heh?! Tigilan mo ako, Andy!" "Bakit ba ayaw mo ng honeymoon?" parang batang nagmaktol si Andy. "Ayaw ko talaga. Mahirap na at baka maka-three points ka na naman. Ang mahirap mag-anak." "Grabe ka naman." Pinindot ni Andy ang tagiliran niya para kilitiin. Nakiliti nga siya. Umiwas-iwas si Yolly na tawang-tawa. "Oh, bakit? Malala 'yang sperm mo, eh," ta's sabi niya na sinundan ng mas malakas na tawa. "Ah, ganon?" Kaya mas kiniliti pa siya ng asawa. Napuno ng tawa nila ang kanilang bridal car. 'Yong driver kinikilig na lang sa kanilang harutan. At 'yong tawa nilang iyon hindi na nagtigil hanggang sa reception. Walang pagsidlan ang kanilang saya sa araw na ito. "Ang ganda mo, Yolly." Hindi rin maiwasan na puri ng mga kaklase nila noon sa kaniya na syempre inimbitahan pa rin nila. "Salamat," ang kiming sagot niya sa mga ito. 'Yong mga nangyari noon wala na 'yon. Parte lang 'yon ng buhay estudyante. Move on na sila. Ewan lang kay Cindy kung naka-move-on na ba talaga dahil nahuhuli pa rin niya ito na masama ang tingin sa kanya paminsan-minsan. "Kiss!" At ang pinakamasayang parte ng kasalan ay 'yong kapag tumutunog ang mga wine glass. Kapag ganoon ay game na game naman silang mag-asawa. Si Andy pa ba?! Subalit ang 'di inasahan talaga nila ni Andy ay ang pagdating ni Leandro na bihis mayaman, de kotse at may mga bodyguard pa. "Totoo bang nanalo ka sa lotto?" paniniguro ulit na tanong ni Yolly sa binatang kaibigan na kay guwapo na rin ngayon. Sa wakas ay nakapagsolo sila dahil may dumatming na iba panfmg barkada noon ni Andy, kaya iniwan sila saglit. "Oo sabi. Ang kulit mo. Baka marinig ka nila, nakakahiya." Maasim pa rin ang naging mukha ni Yolly. Sila lang dalawa ang nag-uusap sa isang table. "Paano?" "Kailangan ko talagang i-explain?" "Oo para malinaw," ungot niya. Natawa si Leandro. Inayos nito ang suot na tuxedo pagkuwa'y nag-explain nga. "Ganito, pumunta ako sa lotto outlet. Humingi ako ng 6/55 card. Tapos ginuhitan ko 'yong mga numerong tatayaan ko. Tapos binalik ulit sa tindera tapos binayaran ko. Kinabukasan nakita ko na lang sa dyaryo na tumama ako. Ganoon lang." Bahagyang nahampas niya ang balikat ni Leandro at natawa. "Grabe ka! Ang swerte mo!" Naniniwala na siya. "Natyambahan lang," pa-humble na sabi ng binata. "Masaya ako para sa 'yo." Niyakap niya si Leandro. Totoong masaya kasi siya para sa kaibigan. Tama nga ang sabi-sabi na, ANG TAONG MABAIT AY PINAGPAPALA NG DIYOS. Ang hindi niya napapansin, eh, ang sama na ng tingin sa kanila ni Andy. Hindi nila namalayan na nakabalik na. "Ehem ehem!" tikhim ni Andy sa likod niya. Kumalas agad si Yolly sa pagkakayakap kay Leandro. At nilingon ang asawa saka nginitian. "Doon muna tayo, Yolly. Gusto ka raw makita ng mga tita at tito ko bago sila umuwi." Tumango siya sa asawa. "Doon muna ako, Leandro. Babalik ako." Tumango rin si Leandro. "Sige, pero wait lang." May kinapa si Leandro sa bulsa nito at nang iabot 'yon sa kaniya ay susi 'yon ng kotse. "Gift ko sa 'yo ngayong wedding mo. Nasa labas na 'yan. Ready to use. Cash ko kasi binili para sa 'yo." Literal na napanganga siya na kinuha iyon. Kung 'di lang madaming tao at mabigat ang gown niya ay nagtatalon na siya sa matinding tuwa. Grabe! May kotse na siya! Whoa! Is this real?' "Ang yabang! Wala 'yan sa Yateng bibilhin ko para kay Yolly!" sa loob-loob ni Andy na napasinghap sa hangin. "Gamitin mo, ha?" malambing na sabi pa ni Leandro sa kaniya. Sunod-sunod na tango siya. Speechless na siya, eh. Kumikinang ang mga mata niyang nakatitig sa susi ng magiging kotse niya raw. OMG! "Sige salamat, Pare ha? Doon muna kami," paalam ni Andy sa binatang biglang yaman. Tapos ay inalalayan ang asawa. Kung si Yolly ang luwang ng ngiti. Si Andy naman ay nakabusangot ang mukha. "Andy, Yolly, nakatulog na ang mga kambal," salubong sa kanila ni Yaya Chadeng. "Sige po. Salamat, Yaya," sagot ni Andy. Si Yolly kasi ay deadma. Nasilaw na yata sa susi ng kotse. Kaya naman sa inis nito ay hinablot nito ang susi sa mga kamay ni Yolly at pinasalo kay Yaya Chadeng. "Ano 'to?" takang tanong ng matanda. "Susi ng bago mong kotse, Yaya," sagot ni Andy sabay hila sa kamay ni Yolly. "Waahh!" ang naging reaksyo lamang ni Yolly. Kotse na naging bato pa!........    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD