"AYAW mo pa rin bang pumasok sa loob? Lumalamig na rito sa labas." Napapakamot na sa ulo si Leandro. Ilang minuto na kasi sila sa gate ng bahay nina Yolly. Parang may inaantay sila na wala naman. Tapos ang tahimik nila. Walang kaimik-imik kasi si Yolly. "Kung inaantok ka na, mauna ka na sa loob, Leandro. Dito muna ako kasi hindi rin naman ako makakatulog," sagot ni Yolly sa napakalungkot na mukha. Yakap-yakap niya ang sarili. Hinihimas-himas niya ang braso dahil totoong lumalamig na ang paligid. Palalim na palalim na kasi ang gabi. Napailing na lamang si Leandro. Alam nitong nag-aantay si Yolly sa pagdating ni Andy. Gustong gusto nitong sabihin na dumaan na si Andy pero naisip nito baka lalo lang umasa si Yolly. Tingin naman nito ay hindi na babalik si Andy. Sumilip lang talaga. "Baaaal