“NANDITO raw si Chance iyong superstar!” Eh? Napatingin ako kay Renma kung tama ang aking pagkakarinig. Anong ginagawa ng hampas-lupang niyon dito? Nilapitan ko ang dalawang classmates naming babae. “Sino ang nandito?” pagtatanong ko sa kanila. Gusto kong marinig mula sa kanila na tama ang aking pagkakarinig sa sinabi nila. “S-si Chance niyong sikat na artista ngayon, na-nandito, Alice. Iyong bidang lalaki sa ‘How to be fall to you’ na series ngayon. Sikat na sikat ngayon niyon, Alice. Hindi mo ba siya kilala?” Aba, malay ko sa gagong niyon. Hindi naman ako die-hard fangirl niya. May series pala siyang pinagbibidahan ngayon? Lumapit ulit ako sa bintana at tinitigan mabuti ang mga nagkakagulo roon. Wala naman akong nakikitang pulang buhok, red hair ang isang niyon noong huling kita

