“Thank you, Alice!” Gulat akong napatingin sa kanya ng magsalita si Bennet. Nandito na kami sa isang restaurant na malapit pa rin dito sa Subic. After namin sa Tiger and Lion close encounter ay dito na kami napadpad ni Bennet. Sobrang saya ng experience ko kanina sa mga Tiger and Lion. Malapitan ko silang nakita at napakain, para na rin akong nasa Africa. Pero, gusto ko pa rin doon makapunta, isa iyon sa bucket list ko. Nakakatakot nga noong una dahil super lapit namin sa kanila. Iyong tipong may tiger sa bubong na sinakyan namin at nakatingin siya sa amin. Anytime, p'wede nila patumbahin ang sinasakyan namin pero nakaka-excite silang tignan at panoorin. Iyong tipong gusto mo silang iuwi at i-train para maging alaga mo. Kaya na-inspire akong i-train si Coco pagkauwi ko mamaya. An

