ANG DAMING GANAP na nangyari sa buhay ko. Parang kailan lang ay mag-isa akong nakatira sa condominium ko kasama ang aking alagang aso na si Coco at isang araw ay naging 360 degrees ang ikot ng buhay ko nang makilala ko ang mga Hanlon. Bwisit ang unang bumungad sa akin nang makilala ko silang anim. Nakakagigil. Pero, ilang buwan na ba ang nakakalipas ng makilala ko sila. Ilang buwan na akong nagtitiis dahil sa kanila. “Ate Alice, tawag ka po ng lolo niyo.” Napababa ang aking tingin kay Denver, naka-suot siya ngayon ng pormal wear na may kulay na red and white. Heto kasi ang color coding namin ngayon. “Bakit daw?” pagtatanong ko sa kanya at tinaasan pa siya ng kanang kilay ko. December 24 na, bisperas na ng pasko. Lahat ng mga Hanlon ay nasa Mansion ng mga Lazaro. Sila grandpa ang n

