Pagkabalik ko sa private room. Nagulat akong nasa harapan ang limang magkakapatid na Hanlon brothers, sa table ng mga elders. Anong ginagawa ng mga iyon? Nagtataka man sa aking nakita, binalewala ko sila. Minsan kasi talaga may sayad ang mga utak nila, e. Hindi ko alam kung kailan natatanggal ang kanilang mga turnilyo sa utak. “Psst," lumingon ako sa aking katabi na si Tyron. May nakita akong ngisi sa kanyang labi. “Pagkalabas mo at niyong babaeng nakaaway mo, lumapit sila sa table nila Grandpa at saka lumuhod.” bulong niya sa akin habang nakangisi pa ring nakatingin sa table ng mga Elders. Naningkit ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. “Bakit daw nila ginawa? Anong mayro'n?” pagtatanong ko sa kanya. Lahat tuloy kami ay sa kanila nakatingin. Ano na naman pakulo ng mga ito?

