Narinig ko si Marife sa kabilang linya ngunit nagdalawang-isip ako kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang tungkol sa dati kong relasyon kay Ariel Dalisay. Magiging big deal lang iyon ng babae kaya naisipan kong huwag na lang itong babanggitin. "Tapos na," sagot ko. “Magaling. So, ano ang masasabi mo sa hitsura niya? Gwapong-gwapo ba sa malapitan?” “Oo naman. Sobrang gwapo. Dapat ikaw na talaga ang gumawa noon, eh,” sabi ko dahil nagsisi talaga ako kung bakit nag-volunter pa akong gawin iyon. “So ano ang reaksyon mo noong makaharap siya? Kumabog ba ang iyong dibdib?” “Hindi ko siya type,” sagot ko sa kanyang tanong upang tumigil na ito. “Ganoon ba? Hmmm anyway, pinadalhan kita ng email; Gusto kong basahin mo ang ginawa kong article sa kanya. Initial pa lang iyon at idagdag ko na