“Hindi na kita dapat tinutulungan pagkatapos mong sirain ang pangalan ng kapatid ko, pero gusto kong masulyapan mo siya. Siya ay maaaring maging bastos at brutal kung minsan, ngunit siya ay isang mabait na tao,” paliwanag ni Khalil sa akin. “Hindi ka ba galit sa akin?” tanong ko kay Khalil. “Sa totoo lang? Hindi ko alam. I mean, gusto kita noon. Mukha kang mabait at cute noong dinala kita sa isla." "I can tell that you're disappointed," sabi ko. "Of course. Follow me,” he said, and the representative of his family didn’t question my presence when I entered the function room with Khalil. “Maraming salamat,” sabi ko kay Khalil bago siya makaalis. "Just behave," babala niya sa akin. Nang magsisimula na, umakyat ang moderator sa podium at tinanggap muna ang press bago ipakilala ang pa