Sa Sabado ng umaga, dumating si Arjay sa tamang oras, at agad na kaming umalis. Hindi bababa sa tatlong oras ang biyahe namin bago makarating sa daungan kung saan kami makakasakay ng ferry. Ilang minuto kaming naghintay sa pag-alis ng barge sa daungan matapos magbayad ng pamasahe, kasama na ang kanyang service vehicle. "Dapat sinabi mo sa akin na ang pupuntahan natin ay halos limang oras ang layo mula sa city," sabi ko sa kanya. Mula alas-kwatro ng umaga ay nasa kalsada na kami, at gayon pa man, nanatiling malayo ang destinasyon. Dapat ay kinuha ko ang alok ni Ariel na sumama sa kanya sa kanyang isla. "Kung alam mo ang pupuntahan natin, sasama ka pa ba sa akin?" tanong ni Arjay. “Hindi,” sagot ko. "And that's the reason why I didn't tell you," sabi niya habang nakangiti. "Whatever," s