Forty-three Hindi n'ya ako pinapansin. Simula nang magising ako kinaumagahan, hangang sa mag-agahan kaming dalawa. Wala na ang mga kaibigan nito kaninang madaling-araw pa umuwi dahil may mga trabaho pang kailangan ayusin, isinabay na rin nila si Batsy. "Psst!" tawag ko rito pero umirap lang ito."Gusto ko ng saging!" medyo demanding na utos ko rito. Sumama ang tingin nito sa akin. Parang bata na nagtatampo ang loko. "Heay!" kuha ko ulit ng atensyon nito. Mukha kasing planong hindi talaga ako pansinin. "Cayde!" napipikong tawag ko sa pangalan nito. "Tsk, kikilos ka o hindi?" parungit ko rito. Paiksi na nang paiksi ang pasensya ko. Dulot na rin siguro nang pagbubuntis ko. "Ikaw pa galit?" nakasimangot na tanong nito. Mukhang masama nga ang loob sa akin."Wala ka bang planong mag-sorry

