Thirty-Two Sinalubong pa ako ni Don Grego nang pumasok ako ng mansion. Nagpaalam ako na may mahalaga lang akong aasikasuhin 'di ko inasahan na gising pa ito. Mabuti na lang at inilagay ko sa bag ang mga saging dahil tiyak na magtataka ito. "Gising pa ho kayo?" gulat na sabi ko rito. "Hinihintay ko lang na makabalik ka nang maayos hijo, magpapahinga na rin ako!" sabi nito. Sabay na kaming pumanhik sa ikalawang palapag. Dali-dali akong pumasok ng silid nagpalit ng pantulog at nagbitbit ng saging tsaka tinawid ang silid ni Anila Andraen. Pero natigilan ako ng maabutan itong nakahiga sa couch sa veranda. Balot na balot ng kumot. Napabuntonghininga ako at humakbang palapit rito. Akmang bubuhatin na para ilipat sa kama ng magising ito. "'Yong saging ko!" waring batang sabi nito. "I got you

