Forty-One "Anila! Magbihis ka!" naguguluhan tinignan ko si Celine. Bigla na lang itong pumasok sa silid ko at inuutusan ako. "And why is that?" nakataas ang kilay na tanong ko rito. "Dahil ikakasal ka na!" sabi nito 'yong itsurang bida-bida na excited. "W-hat? As in now na?" aba'y real quick. "Yup! Nandyan na 'yong judge na kakilala ni Lolo. Everything is ready ikaw na lang ang hindi!" sabay tingin sa akin na parang ang pangit-pangit ko at mahihirapan itong remedyuhan. "At nandyan na ang groom ko?" nakaangat ang kilay na sabi ko rito. "Yup, si Cayde!" natahimik ako. Ngising-ngisi ang babae na hinila ako papasok sa walk-in closet ko at nagkalkal ito roon. Nang makahanap ito ng white tulle off shoulder puffy sleeves long dress na sa pagkakatanda ko ay inihanda ni Carmina noon na gagam

