Thirty-Eight Gabing-gabi na pero 'di pa rin nagtutungo si Cayde sa silid ko kaya naman 'di na ako nakatiis. Lumabas ako sa veranda. Hindi naman mahirap akyatin ang pasimano para makalipat kaya naman nilagyan ko lang ng pagsasampahan at tumawid ako sa pasimano ng veranda. Tahimik ang silid kaya naman dahan-dahang sinilip ko ang loob na natatakpan lang ng makapal na kurtina. Hindi man lang nagsasara ng pintong salamin ang loko. Pansin ko ang mga pinaghubaran nito sa lapag patungo sa banyo, rinig rin ang bukas na shower at ang mahinang awit ni Cayde. Mabilis kong hinubad ang mga damit ko. At kahit katatapos kong mag-shower ay pumasok ako ng banyo ng hindi nito namamalayan. Napahagikgik ako ng makita itong sumasayaw pakendeng-kendeng ang balakang kaya naman umiindayog ang p*********i nito.

