NAPADILAT si Klarissa ng madinig niya ang pangalan ni Alfred at MSC. Hinayon niya ang tingin niya doon at nakita niya ang dalawang ginang na nag-uusap habang nagpapalinis ng kuko. Kasalukuyan siyang nasa parlor at hinihintay na dumating sina Alfred at Kit na dumaan muna sa school para sa report card showing. Na-send ni Alfred sa kanya ang report card ni Kit at masaya siyang makitang matataas ang grades nito. He's indeed a smart and very popular boy in his school. Base sa kwento ni mang Ramon, madaming babaeng estudyante ang nagpapansin kay Kit ngunit wala ni-isa doon ang pinansin nito. Manang mana talaga ito kay Alfred at tingin niya mas masungit pa ito kaysa sa ama nito. Muling napabaling ang tingin niya sa gawi nang dalawang ginang ng naging sentro naman ng usapan ng mga ito ang pribado