KANINA pa gustong batuhin ni Klarissa ang boss niyang kanina pa din sigaw ng sigaw. Panay panay din ang pagmumura nito sa kung sinuman ang kausap nito sa labas. Nasa isang kwarto silang dalawa ni Kit sa loob ng opisina ni Mr. Morales. Doon nila ginawa ang kanilang study session na naantala din naman dahil mas nangingibabaw ang sigaw nito kaysa sa boses niya. Ito yung sinasabi sa kanya ni Kit kanina bago sila umalis. Akala naman niya mild lang pero nth level na ang katumbas noon. Marahas siyang tumayo. "Stay here, okay? Huwag na huwag ka lalabas and wear that headset for awhile," aniya sa bata saka dali dali siyang lumabas. Doon naabutan niya si Ms. Tanya, Sir Sixto at dalawa pa na empleyado din sa MSC na pawang nakayuko. Tanging si Ms. Tanya at Sir Sixto lang ang nakakatingin nang tuwid b