“Ryla, don’t suck too much. Nasasaktan ang Mommy mo,” saway ni Ryker habang inalalayan n’yang umupo si Baby Ryla sa kaliwang hita ko para mapa-dede s’ya ng maayos dahil aalis kami para mag picnic. “And... you’re a good boy Kaleb, take it slow...” Natawa na lang ako ng mahina habang nasa kanang bisig ko naman si Baby Kaleb para padedehin din s’ya sa kanan kong dibdib. Naka-upo kami ngayon sa kama at bago kami aalis, ito muna ang ginagawa namin. Mamaya, sa feeding bottle naman sila iinom ng gatas at hindi breast milk. Pero lagi-lagi talaga, galing sa ‘kin ang binibigay ko sa kanila para mas healty. Aalis kami para mag-picnic kasama sina Mister Damion, Miss Anicah, Mister Freed, Miss Cathalina, pamilya ko at pati na rin kay Ryker. Pupunta kami ro’n sa lawa para makapag-bonding nanaman. Lum

