CHAPTER 99

2595 Words

MATAPOS naming mag-usap ni Tatay Teodoro, lumipas ang dalawang oras ay dumating na si Nanay pati si Kuya Hugo. Malamang, sinabi ko sa kanila ang naganap at hindi sana papayag si Nanay sa gustong mangyari ni Tatay kaso pinaliwanag nga n’ya ng mabuti ang punto n’ya at nagkaintindihan naman sila. Lalo na’t sinabi n’yang tinulungan din s’ya ng lalakeng ‘yon dati kaya hindi na sila naka-hindi pati si Kuya Hugo. Pero hindi ibigsabihin na makakalapit s’ya sa ‘kin lagi dahil sa ‘kin pa lang ay mahihirapan na s’ya. Sinisigurado ko sa sarili kong mararamdaman n’ya talaga ang pagbabago pag kukulitin n’ya pa ako ng kukulitin. Kinaumagahan no’n, nag-paalam ako sa kanila na pumunta ulit sa libingan ni Kaleb para mag-alay ng bulaklak. Kasama ko pa rin si Kuya Hugo at nag-desis’yon akong bumisita sa bah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD