PARA akong nabingi sa narinig ko ngayon hindi dahil sa malakas n’yang tugon, kundi sa mga salitang binanggit n’ya. Napag-tanto kong parang bumagal ang aking pag-hinga habang s’ya naman ay pumikit ng mariin at napa-hilamos sa sariling mukha. “A-Ano ang sinabi mo, Mister Hugo?” mariing usal ko habang unti-unting bimibilis ang bawat kabog ng dibdib ko. “P-Paki ulit ang sinabi mo, b-baka nag kamali ako ng dinig kaya—“ “Damn no, you are really my sister!” Naramdaman kong parang nanlambot ang mga tuhod ko sa binanggit n’ya. “Tang ina, how can say this to you but...” Pinutol n’ya ang kan’yang sasabihin dahil bigla s’yang tumalikod sabay pabagsak na tinukod ang kan’yang mga kamay sa kristal na bintana ng kotse habang rinig na rinig ang mabibigat n’yang mga hininga. “Yeah... maybe you’re my half-s