LUMIPAS ang ilang mga araw, wala pa ring pinagbago ang pakikitungo ang dalawa n'yang kapatid. Okay pa ako kay Miss Carolina at masungit lang talaga s'ya tapos strikto. Kahit ganu’n ang pakikitungo nila, nanatili akong kalmado at tahimik. Ni hindi ako nag sumbong kay Ryker kahit hindi talaga maganda ang ginagawa sa ‘kin ni Rycee. Wala akong ideya kung hanggang kailan ako mag titiis dahil magiisang linggo pa lang sila rito, pero nakakatubo na ng sungay. Kahit ang sarap-sarap naman talagang sabunutan, wala rin akong mapapala pag ginatungan ko, hindi naman ako 'yong kakarmahin. “Ayan, med’yo hindi na namumula ang mga sugat mo. Okay na yata ‘yan,” seryosong sambit sa ‘kin ni Lailah na’ng tinanggal ang bandage wrap na naka palupot sa kanang palad ko. Inasikaso n’ya kasi ang mga sugat ko na kaga