LUMIPAS ang mga araw, naka-tayo na ang grocery store nina Tatay dahil ang daming binayarang tao ni Ryler para mabilis matapos. Four days lang yata, tapos na at ngayon naman, abala ako rito sa pagaayos ng bagong himlayan ni Kaleb. Pagpasok mo, mapapansin mo agad ang kan’yang lapida na naka-ukit doon ang pangalan n’ya. Sa dulo ‘yon ng pader nilagay sa itaas banda at halos mapuno na ng bulaklak ang silid na ‘to. Tapos may isang chandelier dito na hindi ino-off para hindi maging madilim sa loob. Pinagawan din ng mahabang papag na gawa sa white tiles sa ibaba ng lapida banda para lagyan ng vase at pagkain. Sa gitna naman ng k’warto, may mesa naman doon na may plorera pa rin sa gitna para masidlan ng bulaklak. Bumili kasi si Ryker kanina sa flower shop ng white roses, lilies, chrysanthemum na p

