“Ano, Sis?” nagtatakang tanong ko kaya napa-titig s’ya sa ‘kin sabay nginitian ulit ako. “Paki ulit nga?” “Ang sabi ko, para sa ate ko. Kawawa naman kasi, med’yo malaki na ang tiyan n’ya. Babahagian ko s’ya kahit konting halaga lang,” marahang tugon n’ya sa ‘kin. Med’yo natawa ako ng mahina. “Ang akala ko ba, ikaw ang gagastos n’yan lahat?” mahinahong tanong ko pero tinitigan n’ya ulit ang libo-libong perang hawak n’ya sabay ngumiti ng pilit. “Kahit para sa baby lang n’ya. Pero ako naman talaga ang gagastos nito, bibili ako ng mga gamit pang buntis. Hindi pa malalaman kung babae o lalake ang anak n’ya kaya s’ya lang muna ang bibilhan ko mamaya pag alis natin,” seryosong sagot sa ‘kin. Doon ako nakaramdam na parang hinaplos ang puso ko, ang bait naman ng babaeng ‘to. Sa kabila ng disappo