KINAGABIHAN, hindi namin naka sabay si Ryker sa hapunan kaya napilitan kaming mauna na lang. Naka tanggap kasi ng voice message si Madame Karoline na gagabihin s’ya ng uwi at ang dami n’ya talagang inaasikaso. Ang sabi naman ni Mister Ryder, maganda ang dahilan ng pagging abala n’ya dahil ang ibig sabihin daw no’n ay maayos ang takbo ng business nila. Napatingala naman ako sa malinis na kalangitan dahil wala akong nakikitang kahit anong ulap kaya napag mamasdan ko ng mabuti ang kumikislap na mga bituin. Center of attraction naman ang half-moon ngayon na ang ganda ganda tignan. Naririnig ko pa ang tunog ng k’wago sa kalayuan at naaamoy ko ang bango ng mga rosas na sumasabay sa banayad na ihip ng hangin. Naka upo ako ngayon sa hagdan dito banda sa main door sa labas ng mas’yon para hintayin