LAILAH HINAHAYAAN kong bumubuhos ang tubig na nanggagaling sa rigadera para madiligan ang mga naka-korteng pabilog santan na hanggang tuhod ko rito sa loob ng bakod ni Manang Helda. Tinulungan ko rin s’ya sa mga gawaing bahay kaysa naman magpapakabisita ako rito na ang daming kikilusin. Habang binibigyan ng tubig ang halaman, narinig ko na lang na may bumubusina at base sa tunog, parang kotse yata na papalapit dito kaya napa-ayos ako ng tayo para maabangan. Ilang sandali pa ay nakita ko ang sasakyan ni Hugo na huminto sa labas ng bakod. Kasunod no’n, lumabas na s’ya sa loob at mabilis na pumasok papunta sa madamong bakuran. Oo nga pala, sinabi sa ‘kin kanina ni Melen ang nangyari kanina nu’ng nagising s’ya pero pinuntahan na n’ya si Kaleb ngayon. Parang hindi talaga ako makapaniwala sa