‘I'M in a dipsh*t!’ Sigaw ni Bella sa isipan niya. Dahan-dahan niyang tinignan ang may-ari ng boses. Ghad! Sa makalipas na taon ni hindi man lang nagbago ang asawa niya lalo lang itong gumwapo at kumisig. Napalunok si Bella ng laway habang namamawis na hawak ang kamay ni Saxiel samantalang si Senon naman ay panay ang pabalik-balik ng tingin kay Bella at kay Saxon –ang daddy nila. Saxiel still emotionless staring at his father. Hindi na yata mababago ang ugaling ito ng anak ni Bella. Wala na ang receptionist sa harapan nila alam yata na kailangan nila ng privacy. Akmang lalapit si Saxon nang patigilin ni Bella ang lalaki gamit ang kamay nito. Pain is written on his eyes. Hindi ba dapat si Bella ang makaramdam ng sakit at hindi siya? "Don't. Don't come near me." She said sternly to him.

