Chapter 40 Tinignan ko ang paligid, "Travis! Travis?!" Sigaw ko. Lahat ng mga tao sa airport ay napapatingin sa akin at nagkakabulungan, nagmumukha na siguro akong tanga pero wala akong pake. Mabilis akong tumakbo papunta sa departure area ng airport nang hindi siya makita sa waiting area , hinabol ako ng mga gwardya para pigilan, mabuti na lang at isa akong certified runner kaya hindi sila naka-catch up. "Travis!" Sigaw ko habang hinahanap siya ng mga mata ko at abala sa pagtakbo. Tinignan ko ang paligid, no sign of him at all. Where are you, Tray? Tumakbo ako ng tumakbo, hinahanap pa rin siya. I was almost out of hope, biglang tumulo ang mga luha ko. Am I too late? "Travis!!!!" Sigaw ko habang pinagmamasdan ang mga eroplano, "Travis!!!" Humikbi ako at umiyak ng malakas, ang pag-iy