Chapter 85 HINDI maintindihan pa ni Maven ang takbo ng buhay niya, wala na si Saddie, namatayan pa siya ng ama, naiwan na sa kanya ang kompanya mag-isa at convicted criminal ang kanyang kapatid na siya rin mismo ang nagdala. Sa ngayon hindi na niya alam kung itutuloy pa ba niya lahat ng plano niya, malamlam at walang buhay ang kanyang mukha nang pumasok siya sa interrogation room, naroon ang kapatid niya at ang lawyer nito. Naupo siya sa harapan ng dalawa, and he knows na alam na rin ng kapatid niyang si McKenzie ang nangyari. Namumula ang mga mata nito at nagsisisi sa lahat ng nangyari. Hindi man lang niya nakita ang ama sa huling pagkakataon dahil ilang buwan na ring nakakulong simula nang pakasuhan siya ni Maven. “Gusto ko nang bawiin ang kaso.” Nagulat ang lawyer ni McKenzie lalo n

