HINDI maipinta ang mga mukha ni Maven at Carmina. Hindi pa rin mapigilan ng dalaga na hindi maging emosyunal habang nakaupo sa tabi ni Maven habang nasa loob pa rin sila ng kotse ng binata, nasa lap nito ang isang pregnancy test na may dalawang guhit na nagsasabing positive na nagdadalang tao ang dalagang kasintahan, maulan noon at dapat masaya sila sa balita ngunit paano magiging masaya si Maven nong gabi na iyon nang sabihin ni Carmina na hindi siya ang ama ng dinadala nito. "Kailan pa?" walang emosyong tanong ni Maven sa dalaga. "Sorry, we should break up now." Napasulyap siya sa dalaga na hindi makapaniwala sa kanyang narinig. "Pagkatapos mo kong lokohin ito ang gagawin mo sa akin? Carmina...I'm hurt," Maven composing himself na hindi mawala sa sarili sa balita. "I know kaya nga n

