"Halik na," pilit na hinihila ni Mia si Saddie para pumunta sila sa gitna ng dance floor kung saan may nagsasayaw ng sweet sa saliw ng mabagal na tugtug galing sa mga naglalakihang speaker. "Ayoko nga kasi," hindi talaga nagpapilit si Saddie sa kaibigan. "Nabibigatan na nga ako eh," reklamo ni Saddie sa suot niyang white ball gown sa gabing iyon ng pagdiriwang ng christmas party ng kompanya at lahat silang empleyado kailangan magsuot ng mala-ball gown na attire dahil Disney Style ang theme nila. Nakasuot naman ng mala-Cinderella attire si Mia habang siya prinsesa galing sa Enchanted na movie. Nahihiya si Saddie at hindi rin siya gaanong makakakain lalo na't masikip ang corset ng gown niyang suot. "Inayusan pa kita ng bongga hindi ka naman pala sasayaw, ay bahala ka na dyan," nagtatampo