TAHIMIK lang si Saddie sa buong biyahe nang kunin siya ni Maven, huminto sila sa tapat ng isang convenience store, hindi nagsalita si Maven nang lumabas ito at pumasok doon. Napansin niyang wala sa kanya ang mga gamit niya nang maalala niyang naiwan niya ito sa function hall nang bigla siyang umalis kaya pati ang phone niya’y wala sa kanya. Tahimik lang siya at iniisip ang nangyari kanina. Hindi niya maiwasang hindi mahiya sa nangyari, hindi niya gustong masira ang reputasyon ng H&L lalo na ang mga Laurel dahil sa ginawa niya. ‘Dapat hindi na ako pumatol kay Maria at Chelsea, parang binaba ko lang ang sarili ko sa kanila,’ pero alam niya sa kanyang sarili na hindi niya kayang matahimik kung madadawit ang pangalan ng ina niya. Ayos lang kung siya at kaya niyang kontrolin ang sarili pero

