Chapter 8

1961 Words
"Pakitulungan nga sila Maven," utos ni Mrs. Ildefonso mula sa likuran nila Saddie. Saka lang natauhan ang dalaga, inalalayan niya ang binata na makatayo bago pa man may lumapit sa kanila para alalayan ang binata. Atomatikong inabot ni Saddie ang kamay niya sa magkabilang pisngi ng binata para punasan ang luha nito sa mukha. "I miss you, Mav," wika ni Saddie pabalik kay Maven para hindi mag-isip pa ng iba. "Kumain na muna tayo lalo na't mahaba ang naging biyahe ni Carmina papunta rito," dagdag pa ng ginang. Hindi lumayo si Maven may Saddie na akala'y ang dating kasintahan kaya inalalayan na lamang niya ito hanggang sa makarating sila sa dining area, may bilog na lamesang gawa sa matibay na mahogany, may halong ancestral at modern style ang kusina na may mga asthetic design sa paligid sa iba't ibang hugis ng kagamitan na gawa sa mahogany. Nakabukas ang double door papunta sa spring pool sa labas ng mansyon. Nakahanda ang iba't ibang pagkaing tanghalian sa lamesa may mga seafood feast na niluto sa garlic buttered, inihaw na manok, liempo, mga prutas, pipino na nakababad sa sukang may paminta't asukal at mainit na kanin. "Galing pa sa Magallanes ang mga seafood dahil wala naman dagat dito sa Irosin pero sikat ang Irosin sa mga spring resort lalo na't malapit ito sa Bulusan, sariwa ang tubig na galing sa parte ng bulkang Bulusan," kwento ni Mrs. Ildefonso saka ito naupo sa kabisera. Inalalayan ni Saddie na makaupo ang binata sa tabi niya si Maven bago rin siya naupo roon. Agad silang inalalayan ng mga katulong para bigyan ng pagkain ang mga plato nila nang napansin niyang hindi kinikibo ang nakahain na pagkain sa kanya. Sumulyap siya sa ginang nang mapansing nakatingin din kay Maven, napasulyap din sa kanya ang ginang na sumenyas na alalayan si Maven sa pagkain kaya saka lang niya napagtanto. Muli siyang sumulyap kay Maven. "Gusto mo bang subuan kita?" malambing na tanong ni Saddie kay Maven. Bahagyang napagawi ang ulo ng binata sa direksyon ng bose ni Saddie saka bahagyang ngumiti. "Oo, sana," sagot ng binata. Hindi na nagdalawang-isip pa si Saddie at hiniwaan na niya ang binata ng ulam. Maingat niyang pinakain ang binata pagkasubo rito'y saka siya kakain ng kanya kaya hindi niya masyadong na enjoy ang masarap na putahe dahil inaalalayan niya si Maven. Pagkatapos kumain ay hinayaan na muna niya si Maven na magpahinga sa labas ng hardin katapat ng malaking taniman ng mga ubas nila. Pinatawag siya agad ni Mrs. Ildefonso na handang umalis na dahil sa pustura at ayos nito. "Iiwan na muna kita kasama ni Maven, aasikasuhin ko ang papeles niya at ilang bagay para sa eye donor niya…" sandaling huminto ang ginang saka huminga ng malalim bago muli nagpatuloy. "Alam kong mahihirapan ka, pero much better kung turuan mo siya ng mga dati niyang ginagawa na para bang normal, na kaya niyang kumain mag-isa na walang aalalay sa kanya, kahapon kakaalis lang ng asssistant niya rapat dahil he refuse dahil para sa kanya normal siya at hindi bulag. Hindi rin niya ginagamit ang baston niya kaya madalas siyang natatalisod o nabubungo kung saan-saan. Just do whatever you want basta naroon pa rin ang part na ikaw si Carmina, just like old couples, huwag ka sanang magpaparamdam ng pag-aalinlangan sa kanya." "Madam Carmina," tawag ng isang katulong pagkatapos bilinan siya ng ginang. Nagtataka siyang lumingon sa kasambahay bago niya lang naalala na siya pala ang tinatawag nito. "Hinahanap daw po kayo ni sir Maven hardin," may accent ang tagalog nito at bahagyang nahihirapan siguro'y dahil hindi sanay dahil lumaki ito sa probinsya. "O-opo, susunod po ako," sagot ni Saddie. "Aalis na ako, ang mga bilin ko sa 'yo palagi mong tatandaan," paalala ni Mrs. Ildefonso bago siya tuluyang lumabas ng mansyon at sumakay ng sasakyan. Naiwang mag-isa sa sala si Saddie saka hinanda ang sarili bago pumunta sa hardin. Dumaan siya sa mga spring pool saka siya naglakad ng kaunti patungo sa hardin, nakatalikod ang binata sa direksyon niya na animoy may tinatanaw s mga taniman ng ubas at sa maaliwalas na kalangitan. Masarap ang simoy ng hangin at malayang nakakalipad ang mga kalapati sa eri. Dahan-dahan siyang lumapit at tumabi sa binata sa upuang kahoy doon. Agad na naramdaman ni Maven na siya ito na katabi ng binata, sumulyap siya sa binata at napansin niyang may hinahanap sa eri at upuan ang kamay nito kaya hinawak ni Saddie ang kamay niya sa binata kaya mahigpit siyang hinawakan ng binata pabalik. "Mabuti naman at napapayag ka ni mama na magbakasyon kasama ko rito," wika ni Maven kaya nanatiling nakatitig lang si Saddie sa binata. "Kailangan din natin 'to minsan, pahinga ba na malayo sa problema, diba matagal ko nang sinasabi sa 'yo na mag-out of town tayo," pinapapalala ni Saddie kay Maven na para bang siya nga si Carmina. Ngumiti ng malungkot ang binata. "Tama ka," pagsasang-ayon ng binata. Napakunot-noo ito nang may napansin siya sa kamay ng dalaga. "Wala ang singsing mo?" Dahan-dahan nanlaki ang mga mata ni Saddie at napalingon din sa kanyang kamay. Naalala niyang engage na ang dalawa, bigla na lamang siyang nataranta at nag-iisip ng idadahilan niya. "Na saan ang singsing mo?" tanong muli ni Maven na para bang nagtataka. "A-ano hindi ko na siya nahanap pagkatapos ng aksidente, oo ganu'n nga hindi ko alam kung saan ko siya nawala, roon ba sa ospital o sa aksidente kasi nong nagising ako wala na siya sa daliri ko---" "I'm sorry, Mina," hindi natuloy ang sasabihin ni Saddie nang sumingit si Maven kaya bahagyang nakahinga ng maluwag si Saddie. "I'm sorry kung nadamay pa kita sa aksidente, hindi ko sinasadya hindi ko na kontrol ang manibela, kung hindi tayo na aksidente at hindi ako nabulag baka busy na tayo sa pag-aasikaso ng kasal natin, kasi diba sinabi mo na as soon as possible gusto mo nang maging Mrs. Ildefonso, sorry kung hindi ko matutupad sa ngayon gusto kong makakita, makita ka suot yung bridal na gusto mo." May lungkot sa boses at mukha ng binata. Napailing si Saddie. "Wala kang kasalanan, wala sa atin ang may kasalanan may mga bagay lang na hindi natin inaasahan, mga pagsubok…kaya wala kang kasalanan." "I thought hindi na kasi kita makakasama o mahahawakan kasi ang tagal mong nawala sa tabi ko, ang akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo, I prayed silently mabuti na lang narinig niya ako, you're here now beside me, nakakausap at nahahawakan. Ang sama ng panaginip ko na kinuha ka na sa akin kaya nagpapasalamat ako narito ka, Carmina, you know how much I love you, and I can't leave without you, Carmina," malambing na wika ng binata. Ngunit hindi napansin ni Saddie na pumatak ang luha niya nang marinig ang mga sinabi ni Maven tungkol may Carmina at hindi rin siya makaimim sa kinauupuan. Hindi niya maramdaman ang sarili lalo na ang kamay ni Maven sa kanya. 'Tama ba itong ginagawa ko? Paano kung malaman niya ang totoong wala na si Carmina? Hindi ko atang makitang magalit sa akin, pakiramdam ko isusumpa niya ako,' sa isip-isip ni Saddie. Huminga ng malalim si Saddie at hindi pinahalata may Maven na nagiging emosyunal siya sa mga oras na iyon. "Hindi ka ba nagsisisi?" biglang tanong ni Maven sa kanya. "Huwag mong isipin yan, nandito lang ako sa tabi hangga't sa makakita ka hindi kita iiwan, tutulungan kita at aalalayan hangga't sa makakaya ko," iyon ang sinabi niya sa binata na sa alam niya ay sasabihin din ni Carmina kung nabubuhay lamang ito. "Thank you, my love," Maven sweetly said to her. Kumagat ang dilim at tapos na rin sila makapaghapunan ni Maven nang ihatid ni Saddie ang binata sa silid nito para mag-ayos bago matulog. Pagkapasok nila sa silid bumungad agad ang king size bed nito, ang walk-in closet sa may kanan na bahagyang nakabukas ang pinto at sa tabi nito ang banyo. Sa uluhan ng kama may bintanang nakasara pero nakabuka ang kurtinang puti, sa magkabilang tabi ng kama'y may nightstand na bakagyang dim ang light ang nakapatong lampshade roon na hugis mushroom. "Hindi naman ako lumabas kaya hindi ko na kailangan mag half bath ngayong gabi," wika ng binata na kinabigla ni Saddie. 'Paano na lang kung mag-request si sir na maliligo siya? Ako ba ang aalalay sa kanya? Paano kung makita ko ang hindi ko dapat makita?' ang dami agad inalala ni Saddie na maari niyang mag problema kung sakaling mangyari nga iyon. Bigla na lang nag-init ang pisngi ni Saddie at namula sa hiya. "Okay ka lang ba? Bigla ka atang natahimik?" Saka lang napasulyap muli si Saddie kay Maven nang magsalita ito sa tapat niya. "Wala naman," tipid na sagot ni Saddie. "Tulungan muna lang ako maghilamos at saka magbihis," suwestyon ni Maven. "Ah sige," saka niya inalalayan si Maven sa banyo, may upuan doon saka pinaupo ang binata. Maingat niyang tinanggal ang suot na salamin ng binata, sa una'y nabigla si Saddie ngunit kalauna'y napatitig siya sa walang emosyong mata ni Maven, ngayon lang niya nakitang buo ang mukha ng binata na walang harang sa mata nito, hindi niya maiwasang hindi mapatitig. "May problema ba at bigla kang natahimik?" tanong ng binata kaya nabigla siya kay Maven. "Wala," saka niya maingat na binasa ang mukha ng binata at sinabon. Maingat niyang hinahaplos ang mukha ng binata, may kung anong kuryente, animoy napapaso siya sa tuwing ididikit niya ang sarili sa binata, naroon ang kalabog sa dibdib niya habang ginagawa iyon bago niya punasan ng malinis na towel ang mukha ng binata. Bahagyang nabasa ang kwelyo ng damit ng binata, pagkatapos nila roon ay pumunta sila sa kama saka roon pinaupo. Ang binata na ang naghubad ng damit niyang pang itaas kaya agad na tumalikod si Saddie sa hiya, pumasok siya sa loob ng walk-in closet saka mabilis na kumuha ng plain grey shirt para sa binata at grey jogging pants. Paglabas niya roon halos malagutan siya ng hininga nang makitang nakaboxer na blue ang binata, nakita niya ang perpektong buong katawan ni Maven na lalong nagpadagdag sa init ng pisngi niya, pakiramdam niya nagkakasala siya na makitang nasa ganu'ng sitwasyon ang binata ngunit hindi rin niya maiwasang mamangha sa alagang gym na katawan ni Maven. Madalas kasi noon na palaging naka-corporate attire kaya ngayon lang niya nakitang ganito ang binata. Naestatwa siya sa kinatatayuan kung anong gagawin habang nakatingin sa binata, agad niyang tinignan ang binata sa mukha. 'Huwag kang titingin sa baba!' sigaw ni Saddie sa kanyang isipan. Nagmadalis siyang lumapit at nakatingin lang sa binata habang inaalalayan niya itong masuot ang pang itaas na damit ng binata. Bumaba siya sa sahig at pikit-matang pinasukt ang jogging pants sa binata saka lang siya nakahinga ng maluwag nang matapos niya ito. "Dito ka ba matutulog?" Napailing si Saddie. "Hindi, roon muna ako sa silid na nakalaan sa akin." "Sigurado ka ba?" nag-aalalang tanong ni Maven. "Oo naman." "Sige, good night, Carmina, and I love you," sambit ni Maven "Good night, Maven," saka niya inalalayan na makahiga si Maven sa kama nito hindi niya napansin ang lungkot sa mukha ng binata nang makumutan niya ito at nagmadaling lumabas ng silid. Sa katabing silid ay ang kanya at roon lang siya nakahinga, inaalala niya kung kakayanin ba niyang tumagal sa ganito. Pagkapasok niya sa silid saka lang niya pinadalhan ng mensahe ang ina naroon na siya sa destination niya. Pinagmamalaki niya ang magandang matutulugan niya na kasing laki rin ang silid ng kay Maven at ang mga pagkaing nakahanda para sa kanya. Ibinagsak niya ang likod sa kamang malambot na mas malambot pa sa gamit niyang kama sa bahay niya.Doon lang niya naramdaman ang pagod at antok hanggang sa tuluyan siyang dinala nito na hindi na siya nakapagpalit ng damit dahil sa matinding antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD