HANGGAN’T maari mas pinag-tuunan ng pansin ni Saddie ang ilang trabaho niya sa kompanya, sa shop niya at ang pagbubukas ng bagong branch nito. Naging hands-on siya sa lahat lalo na sa mga pagkain, design at ilang madaliang renovation sa buong shop na mas malaki pa kesa sa na una niyang pinatayo. Pilit niyang kinakalimutan ang nangyari nitong nakaraan kahit hindi ito mawala. Napangisi si Saddie nang makitang dumarami na ang bisitang inimbetahan niya, samu’t sari at nagkalat ang mga media personnel para ma-cover ang bago niyang shop. From artista down to mga sikat na politician sa bansa ay naroon. Gusto niyang lahat ng mga sikat na personalidad ay makuha niya ang connection, pag ganitong nasa industries ka gagawin mo ang lahat para makilala ka talaga. Para bang naging red carpet ng mga art

