INIWAN na muna ni Saddie ang kaibigan na si Mia at si McKenzie sa hospital para kunin ang gamit nila sa Vila, pagbalik niya roon nagtataka siya na wala pa rin si Maven at nang tignan niya ang mga gamit nito'y wala na roon. Malaking pasalamat na rin niya na nasa mabuting kalagayan na si McKenzie na nagpapahinga na at nawala na rin ang pag-alala ni Mia sa nangyari. Kailangan na lang nilang maghintay ng notice para mailipat sa Manila si McKenzie ng hospital. Palabas na sana siya nang Villa nang makatanggap siya ng tawag mula sa unregistered number agad niya naman itong sinagot lalo na't baka importanteng bagay ito. "Hello, this is Saddie Laurel speaking...po? Sige po," nagulat siya sa balitang nalaman at namatay din agad ang tawag. Napapaisip siya at nagtataka kung paanong napunta si Maven

