EXCITED na gumising si Saddie nong kinaumagahan at pagkatapos niyang ihanda ang almusal ng binata'y dumiretso na siya rito nang makita niyang nakahiga at nakakumot pa rin ang binata. Iniisip niya kung ano pa ba ang maari nilang puntahan sa araw na iyon. Pumasok siya sa silid dala ang tray at saka niya nilapag ang tray sa lamesa paglingon niya kay Maven napakunot-noo siyang nang mapansing niyang may kakaiba rito. Naupo siya sa tabi ni Maven nang mapansing namumula ang pisngi nito at animoy nanginginig sa ilalim ng kumot. Nilapad ni Saddie ang kamay niya nang maramdamang mainit ang buong katawan ni Maven at noo nito. "Nilalagnat ka," komento ni Saddie saka niya naalala nitong naulanan silang dalawa ni Maven kahapon sa Pili Haven bago umuwi. Naging aligaga at hindi alam ni Saddie kung a