HINDI na nabilang pa ni Sol kung ilang beses silang nagkikita ni Maven simula nang magkakilala sila. Unti-unti niyang nakikilala si Maven na akala niya’y masama ang ugali katulad sa kwento ng kanyang tiyuhin sa kanya. Naisip niyang mali ata ang pagkakakilala ng mga ito kay Maven. Pagkalabas ni Sol sa gusali ng isang modeling company bagsak ang kanyang mga balikat na naupo sa bleacher sa ilalim ng puno malapit doon. Iniisip-isip niya kung saan siya nagkamali o ano pa bang kulang sa kanya kung bakit hindi siya mapili-pili ng mga agency na pinupuntahan niya. Minsan nawawalan na siya ng gana na ipagpatuloy pa ang pangarap niyang maging modelo. Minsan na siyang naloko noon dahil gusto niyang makuha ang pangarap niya na kamuntik pa niyang ikapahamak ng buhay niya dahil illegal agency ang napun

